Sa ulat ni Paul Hernandez sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, ipinakita ang video na ini-upload sa social media ni Aina Tarrayo, sa nangyaring eksena sa kanilang volleyball game sa Barangay Antipolo del Sur.
"Ako po 'yung magse-serve, tapos nu'ng naglalaro na po, ongoing po 'yung game, may dumating na baka. Tapos bigla po siyang tumakbo po around the court, then nagkagulo na po 'yung mga tao," kuwento ni Tarrayo. Ayon kay Tarrayo, parang gubat ang gilid ng kanilang pinaglalaruan at mayroon talagang mga nag-aalaga ng baka sa lugar.Samantala, isang siklista ang nasaktan nang mapag-initan siya at atakihin ng isang nakawalang toro sa Lima, Peru.